LINKS;

: Mga bagay na ginagawa mo para sakanya.

Antok na antok ka na, napapapikit ka na pero pilit mong nilalabanan antok mo dahil alam mong magrereply pa siya. Dali-dali ka ng kumain para lang ‘di siya mag-intay ng reply mo sa Facebook Chat. Pag nawawalan ka ng load at magkatext kayo, pati mga taong hindi mo ka-close, pagtatanungan mo kung may kilala silang nagloload at babayaran nalang. Liligo ka nalang, dala mo pa ang cellphone mo dahil magkatext kayo! Nilalagay mo pa sa plastic para hindi mabasa! Ang tindi mo ‘tol! Naka-greet ka na ng good morning sakanya pero ‘di ka pa nakakapaghilamos. Kakain ka na nga lang, magkatext parin kayo at nagtatanungan kung anong breakfast ng isa’t isa. ‘Di kayo nawawalan ng topic dahil pareho kayong nag-eenjoy sa usapan niyo. Hanggang sa may gagawin muna siya, magiging busy at ikaw naman, ‘di mapakali sa upuan mo at pagnagtext siya, wala pang isang minuto naka-reply ka na. “I miss you!”. Pag-aalis siya ng bahay, nag-aalala ka kasi nawawalan kayo ng oras sa isa’t isa. Pero matutuwa ka dahil magtetext siya at ia-update ka kung ano ng ginagawa niya. Sweet eh no? Nagmamahalan kasi kayo. Tandaan mo lang kung bakit kayo tumagal ng ganito, ‘wag bibitaw. Isipin mo na malayo na ang narating niyo at ‘di dahil nag-away kayo ng minsan eh, break na. ‘Wag ganon! Love more!

(via missawesomechickinlove)

+